Kinuwestiyon ni Mocha Uson ang umano’y magkaibang bilis ng pagkilos ng Marcos administration sa mga personalidad na may kinakaharap na isyu sa batas.
Ikinumpara ni Uson ang mabilis na paghabol ng mga awtoridad kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa tila mabagal umanong paghahanap at pagpapauwi kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Tinanong niya kung bakit agresibo ang gobyerno kay Bato habang tila “relax” umano sa kaso ni Co.
“Bakit atat na atat kayo mahuli si Bato samantalang wala kayong pakialam kay Zaldy Co?”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento