Sa isang mataong parke ng Antipolo, araw-araw ay may isang eksenang paulit-ulit na nagaganap isang matandang lalaki, si Lolo Pedro, ang tahimik na nagtitinda ng cotton candy, habang nasa loob ng balde ang kanyang pinakamatalik na kaibigan aso na si Bantay, ang kanyang munting tuta.
“Ang totoo, Si Bantay lang talaga ang kasama ko sa buhay ngayon. Pero kahit gano’n, hindi ako nag-iisa. Sa bawat araw na kasama ko siya, parang may saysay pa rin ang lahat,” ani ni Lolo Pedro
Nananatili siyang matatag si Lolo Pedro hindi para yumaman, kundi para mabuhay kasama si Bantay
Matagal nang pumanaw ang kanyang kabiyak, at ang kanilang mga anak ay may sarili naring Pamilya. Sabi nga ni Lolo Pedro, "Abala na rin sila sa buhay nila. Naiintindihan ko naman." Kaya't ngayon, si Bantay na lang ang kasama niya sa bawat hakbang, sa bawat lakad sa parke, at sa bawat sandaling mag-isa.
Hindi man marangya ang kanilang buhay, sapat na sa kanya kasama ang kanyang pinakakamahal na aso.
Ang kwento ni Lolo Pedro at ni Bantay ay paalala sa ating lahat na hindi kailangang maging marangya ang buhay para matawag na masaya. Minsan, sapat na ang isang tapat na kasama, ang konting benta sa araw-araw, at ang tahimik na gabi na may ngiti sa labi.
Hindi lahat ng bayani ay may kapa minsan sila ay simpleng matanda na naglalako sa parke, may asong tapat, at may pusong handang magmahal hanggang dulo.
“Mahirap man ang buhay, basta't may kasama kang tapat, kakayanin ang kahit ano,” — Lolo Pedro
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento