Advertisement

Responsive Advertisement

BINATILYO, NAGBAYAD NG INUTANG NA P200 GAMIT ANG KAMOTE AND PRUTAS—“BAYAD KO PO SA HINIRAM KO”

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 



Isang nakakaantig na kwento ng kababaang-loob at pagsusumikap ang bumihag sa puso ng netizens matapos mag-viral ang post ng isang empleyado mula sa General Services Office (GSO) tungkol sa isang teenager na nanghiram ng P200 at agad na nagbayad gamit ang kanyang sariling produkto—mga kamote.


“Hindi ko po balak mangutang nang hindi magbabayad. Gusto ko pong umasenso sa marangal na paraan. Kahit paunti-unti, basta pinaghihirapan.” -Binatilyo


Ayon sa nagbahagi ng kwento na may username na @fuschia_lilac, isang payat at mahiyain na binatilyo ang kumatok sa opisina nila at maayos na nakiusap na makahiram ng P200 upang makapagsimula ng maliit na negosyo.


“Mangungutang po sana ako,” mahina at magalang na sabi ng binatilyo.


Bagama’t hindi nagpapautang ang opisina, naantig ang damdamin ng empleyado sa sinceridad ng kabataan, kaya’t ibinigay niya ang hinihinging halaga.


“Gusto ko po magtinda. Kailangan ko lang po ng pambili ng ititinda,” paliwanag pa ng binatilyo.


Ang hindi inaasahan? Makalipas lamang ang ilang oras, bumalik ang kabataan dala ang apat na plastic bag ng kamote.


“Ito pong dalawa tig-P50, itong dalawa tig-P100… ‘Wag n’yo na po bayaran itong dalawang tig-P100, bayad ko po sa hiniram ko,” wika ng binatilyo.


Gulat at tuwa ang naramdaman ng GSO staff. Sa halip na tanggapin ang bayad, hinihikayat niya ang kabataan na palaguin pa ang kanyang puhunan at ipinangakong tutulungan siya kung kakailanganin.


Mula noon, regular nang bumibisita ang binatilyo sa opisina upang ipakita ang kanyang benta at progreso. Nangarap din siyang magbenta ng prutas sa susunod, bagama’t aminado siyang mas mataas ang kailangang kapital.


“Walang taong maghihirap kung marunong sa buhay at masipag,” ani ng GSO staff.

“Hindi tayo pababayaan ng Diyos.”


Sa mundong puno ng mga shortcut at instant gratification, ang kwento ng teenager na ito ay tunay na humahaplos sa puso. Isang paalala na hindi hadlang ang kahirapan para magsimula at magtagumpay, basta’t may determinasyon, respeto, at malasakit sa kapwa.


Ang kabataang ito ay simbolo ng pag-asa at dangal, at patunay na hindi kailanman mali ang maging masipag at tapat. Sa simpleng puhunan ng kamote at isang bukas na pintuan, nag-ugat ang isang kwentong dapat tularan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento