Advertisement

Responsive Advertisement

“PERO IKAW NAKAKAKAIN PA PERO ANG ANAK KO WALA NA” OFW AMA, NAGDADALAMHATI PARIN SA TRAHEDYA

Biyernes, Mayo 9, 2025

 



Hindi mapigilan ang emosyon ni Danmark Masongsong, isang overseas Filipino worker (OFW), matapos ang malagim na aksidente sa NAIA Terminal 1 na ikinasawi ng kanyang 4-anyos na anak at ikinasugat ng kanyang asawa. Sa gitna ng kanyang matinding pagdadalamhati, buong tapang niyang hinarap ang media upang ihayag ang kanyang hinanakit sa SUV driver na responsable sa insidente.


Sa kanyang panayam:

“Sa ngayon po, hindi ko po mapapatawad dahil buhay po ang kinuha. Ang gusto po namin, mabulok siya sa kulungan para mabigyan ng hustisya ang anak ko.”


“Walang kapatawaran ang ginawa mo sa aking asawa lalo na sa aking anak na nawalan ng buhay. Ikaw, nakakain ka pa—ang anak ko wala na. Tandaan mo 'yan.”


Ang masakit na pahayag ni Masongsong ay dumurog sa puso ng maraming netizens at OFWs na agad nagpahayag ng pakikiramay at pagsuporta. Ayon sa mga ulat, bigla umanong umarangkada ang SUV sa departure area ng NAIA, dahilan upang mabundol ang mag-ina.


Ang anak na si Malia, ay dead-on-the-spot habang ang ina ay nasa kritikal na kondisyon pa rin sa ospital. Kasalukuyang nakakulong ang SUV driver at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple injuries.


“Hindi ko hiningi na mawalan ng anak. Gusto ko lang makasama sila kahit sandali. Pero ngayon, wala na ang anak ko. Gusto ko lang ng hustisya. Sana maramdaman mo rin 'yung sakit na dinaranas ko ngayon. Hindi ko kayang palampasin ito.” -Danmark


Ang insidenteng ito ay muling nagbigay-linaw sa pangangailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko, at accountability ng bawat driver sa kalsada. Hindi na mababalik pa ang buhay ng bata, pero ang katarungan ay dapat manaig para sa pamilyang naiwan. Sana ay magsilbing paalala ito sa lahat na isang pagkakamali lang sa pagmamaneho ay maaaring magdulot ng habambuhay na dalamhati.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento