Xian Lim Nagsalita Na Tungkol Sa Kanila Ni Iris Lee | Kim Chiu

Sabado, Pebrero 24, 2024

 


"Sabihin natin, one, two, di ba? three.", saad ni Xian Lim sa isang live. 


"Wish you all the best, alam ko namang kayang-kaya mo yan kasi napakagaling mo.", ani Iris Lee kay Xian Lim. 



Xian Lim, pinag-usapan ang relasyon nila ni Iris Lee. Mahilig talaga sa mga singkit at may lahing Chinese. 


Viral ngayon sa social media ang bagong babae na ipinalit ng Kapuso actor na si Xian Lim kay Kim Chiu. 




Marami ang nakapansin na malayo ito sa kagandahan ni Kim at muling napatunayan ng mga netizens ang katagang "Time is the ultimate truth-teller!". 


Ilang sandali lang, pagkatapos nilang maghiwalay ni Kim, tila unti-unting isiniwalat ni Xian ang bagong babae na ngayon ay nagpapatibok ng kanyang puso. 



Inulan ngayon ng batikos ang bagong babae ni Xian dahil kung matatandaan, ang bagong babae ngayon ni Xian ay ang third-party na itinuro sa hiwalayan nila ni Kim. 


Noong una, nagtataka ang mga netizens kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng KimXi, lalo na't halos 12 years na silang magkarelasyon. 




Ngayon ay tila maraming netizens ang nagkumpirma na totoo ngang may namamagitan kay Xian at sa nali-link sa kanyang babae na walang iba kundi si Iris Lee. 


Matatandaang unang umugong ang pangalan ni Iris Lee matapos siyang maging blind item at mapag-usapan sa ilang online forums. 



Bukod dito, binanggit din siya ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz, kung saan hinamon pa ni Ogie si Xian na sagutin kung sino si Iris Lee sa kanyang buhay. 


Ayon kay Ogie, staff o writer daw ng Viva si Iris Lee.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento