Lotlot De Leon Kinumpirma Na Masaya Ang Puso Ni Janine Gutierrez Ngayon!

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

 


Tinanggap ni Lotlot de Leon ang Best Actress trophy na napanalunan ng kanyang anak na si Janine Gutierrez sa 6th EDDYS awards ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap sa Aliw Theater noong Linggo, Nobyembre 26, 2023.

Nanalo si Janine ng award na ito para sa pelikulang Bakit 'Di Mo Sabihin. Naka-tie niya si Max Eigenmann ng pelikulang 12 Weeks. Naging emosyonal si Lotlot sa kanyang acceptance speech. Matagal na raw niyang pangarap na maging Best Actress kaya proud daw siya sa anak niya.

Iba raw pag anak. Proud na proud siya dito, sabi ni Lotlot pagkatapos ng awarding ng EDDYS. Sinagot niya kung anong suporta ang ibinibigay niya sa anak ngayong single na raw ito.

Ang mahalaga, masaya ang puso single man ito o hindi single, sagot ni Lotlot, na nanalong Best Supporting Actress din sa EDDYS last year para sa On The Job: The Missing 8.

Ang importante raw ay focus, alam ng anak niya ang gusto nito sa buhay. Masaya ito ngayon dahil may award itong Best Actress. Hanga raw si Lotlot sa kanyang anak dahil magaling itong humawak ng mga intriga sa anumang pinagdadaanan nito sa buhay, pati na rin sa love life.

Mas mahusay daw mandedma ang kanyang anak. Yung anak niya, parang nasanay na hindi lahat pinapatulan. Sa totoo lang, wala itong pake sa tsismis. Congratulations, Janine Gutierrez para sa iyong Best Actress award.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento