Kathryn at Daniel Nag Aabogaduhan Na! Mga Abogado Ni Daniel at Kathryn, Nakaready! Hiwalayan Kumpirma Na!

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

 


May bagong rebelasyon si Cristy Fermin sa kanyang Youtube channel kung saan in-update ni Cristy Fermin ang kanyang narinig mula sa kanyang mga source. Hinamon ni Cristy Fermin kamakailan ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada na makipagkita sa source kung totoo ngang hindi niya sinabing hiwalay na sina Daniel at Kathryn.

Pero sabi ng netizens, sino ba raw si Cristy Fermin para paunlakan ni Karla Estrada? Syempre, ang ipagtatanggol nito ay walang iba kundi ang anak na si Daniel. After that, may isa pang revelation na sinabi ni Cristy Fermin tungkol sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn.

Ito raw ang pagkuha ng abogado para sa dalawa. Ito ay para hatiin ang puhunan o ang perang ibinuhos ng dalawa sa negosyong kanilang pinagsamahan. Dahil hiwalay na sila, kailangang hatiin din ang kanilang kita. Ang binigay na pera ay babawiin nilang dalawa at mawawala ang negosyo.

"Well ang nangyayari ngayon, 'yung abogado ni Kathryn at Daniel inaano na ngayon 'yung halaga ng ipinuhunan nila sa kanya-kanyang negosyo na pinagsaluhan nila."

Ayon kay Cristy Fermin, mukhang hindi na ire-renew ng Star Magic sina Kathryn at Daniel. Ayon sa kanya, mukhang kausap ni Kathryn si Maja Salvador para lumipat dito sa agency nila ni Rambo Nunez.

Aniya, "Hindi na raw, ito raw ha kasi hindi natin alam kung gaano ang... one hundred percent ba o kwento lang? Wala pa kaming resibo para dito, aminado kami. Ang kuwento, hindi sila i-rerenew ng Star Magic, ng ABS-CBN."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento