Miss Nicaragua at Ang Kanyang National Director Na Banned Sa Kanilang Bansa!

Lunes, Nobyembre 27, 2023

 


Ipinagbawal na umano ng gobyerno ng Nicaragua ang National Director ng Miss Universe Nicaragua na bumalik sa kanilang bansa matapos ang pagkapanalo ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios sa katatapos na 72nd Miss Universe competition sa bansang El Salvador.

Sa isang ulat, mula sa Managua airport, si Miss Nicaragua at ang National Director at ang kanyang anak na babae ay pinigilan umano na makapasok sa kanilang bansa. Isinakay sila sa isang flight pabalik sa Mexico kung saan sila bumisita para sa Miss Universe 2024.

Hindi pa raw malinaw kung ano ang basehan ng pagbabawal sa Beauty Queen at National Director. Wala pang komento ang gobyerno sa usapin. Sinasabing si Miss Palacios ay itinuturing na simbolo ng oposisyon ng gobyerno ng Nicaragua kung saan ang kanyang puti at asul na evening gown ay pinaghihinalaang simbolo ng pagtutol sa pamahalaan. 

Ang evening gown ni Miss Palacios, na kahawig ng imahe ng Birhen ng Immaculada Concepcion, ay sinasabing inilarawan ng maraming destiyero sa Nicaragua bilang simbolismo sa gitna ng panunupil umano ng kanilang bansa sa simbahang Katoliko.

Dagdag pa rito, nag-aral umano ang Nicaraguan Beauty Queen sa Central American University na ipinasara ng gobyerno noong Agosto dahil sentro umano ito ng terorismo. Sa kabilang banda, wala pang pinal na pahayag si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios sa nasabing isyu.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento