Matapos ang panayam ng social media personality / CEO na si Rosmar Tan ay nag-viral sa Youtube channel ng actress-host na si Toni Gonzaga kung saan ibinunyag niya na kumikita siya ng 10-13 milyon kada araw mula sa kanyang negosyong beauty products. Nilinaw pa niya na mababa lang ang 5 milyon na kita.
Dahil sa pagbubunyag na ito ni Rosmar, agad na nanawagan ang mga netizen sa BIR o Bureau of Internal Revenue na imbestigahan ang milyong kinita ng may-ari ng negosyo at tingnan kung tapat siya sa kanyang mga buwis. May mga netizens pa nga na mismong nagkwenta ng annual tax payment ni Rosmar kung totoo ngang kumikita siya ng 5 million kada araw.
Sa kalkulasyon ni Mikael, aabot sa kalahating bilyon ang taunang buwis ni Rosmar sa BIR. Samantala, nagsalita na rin sa wakas si Rosmar Tan tungkol sa mga alegasyon sa kanya ng ilang netizens na hindi siya tapat sa pagbabayad ng kanyang buwis sa BIR.
Habang ine-enjoy niya ang kanyang bakasyon sa Korea kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit, sa pamamagitan ng Facebook post ay ipinahayag niya ang kanyang sagot sa mga nagtatanong.
Aniya, "Wag magpapakalat ng fake news. Hindi naman nakakatakot ang BIR kasi maayos na ang sistema nila ngayon. Gagabayan at tuturuan ka pa nila sa tamang pagbabayad ng buwis. #TopWithholdingAgent"
Dagdag pa nito, "mema content lang kayo e. Ako na naman trip nyo."
"Yung iba na-iinspired, pero marami talaga ang?"
Si Rosmar ay palaging isa sa mga taong naghihikayat sa kanyang mga kapwa content creator at may-ari ng negosyo na maging tapat sa pagbabayad ng buwis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento