Kalaban O Kakampi? Kathryn Bernardo, Papasok Sa Fpj's Batang Quiapo Para Tapusin Si Tanggol?

Huwebes, Pebrero 29, 2024

 


Siya na kaya ang tatapos kay Tanggol? 


Tila ito ang tanong ng mga netizens ngayong napapabalitang papasok ang Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo sa top-rating TV-serye ng bansa na FPJ: Batang Quiapo. Ito ay upang gampanan ang pinakabagong karakter sa serye. 



Dalawang linggo na ang nakalipas nang mag-post ang isang entertainment Facebook page na magkakaroon ng malaking pasabog at malaking sorpresa ang nangungunang primetime teleserye ng bansa mula sa Kapamilya channel na FPJ: Batang Quiapo. 


Mangyayari ito sa simula ng kanilang ikalawang taon sa ere. 




Matatandaang sinabi ng isang executive ng producer ng show na Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut na papasok at magiging bahagi ng nasabing serye ang magaling na aktor na si Coco Martin. 


Isa rin si Coco Martin sa mga direktor ng seryeng ito. 



Kasabay ng kanilang first anniversary trailer na ipinalabas noong nakaraang linggo, ipinakilala sa publiko ang bagong cast na magiging bahagi ng action teleserye. 


Mga beterano na sila sa larangan ng showbiz. Sila ay sina Tessi Tomas, dating 80s action star Dan Alvaro, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Malou Crisologo. 




Kasama rin ang isa sa pinakamahusay na aktor ng henerasyong ito, si Elijah Canlas. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento