Alden Richards, Masaya Sa First Time Na Pag Bisita Sa "Asap Natin 'to".

Huwebes, Pebrero 29, 2024



Sa unang pagkakataon, napanood sa "Asap Natin 'To" stage ang Kapuso star na sina Alden Richards at Julia Montes para sa promo ng pelikula nilang "Five breakups and a romance". 


Ito ay palabas na ngayon sa mga sinehan sa buong bansa. Sinalubong ng host na si Robi Domingo at ng Asia's songbird na si Regine Velasquez-Alcasid si Alden Richards sa "Asap Natin 'To" stage. 



Inamin ni Alden na ito ang unang pagkakataon niyang tumuntong sa "Asap Natin 'To" stage. 


Bida sina Alden Richards at Julia Montes sa kanilang pelikulang "Five breakups and a romance" bilang magkapareha. Masaya ang Kapamilya at Kapuso fans sa crossover na ito ni Alden Richards.


@weeeyne ang fresh talaga nya dito😭#AldenRichards #Juliamontes #asapnatinto #fivebreakupsandaromance ♬ 10 Minutes of Silence - Kent Nazareth Yoga Man

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento