Detalye sa Naging Relasyon daw nina Eric Fructuoso at Toni Gonzaga

Huwebes, Pebrero 29, 2024

 


Naging mainit na usapan sa showbiz kamakailan ang rebelasyon ni Eric Fructuoso nang tapat niyang isiniwalat ang tungkol sa past relationship nila ni Toni Gonzaga. 


Trending sa social media platforms ang video ng dating miyembro ng Gwapings na si Eric Fructuoso. 



Ito ay kuha sa cooking and talk show ng GMA network na "Sarap diba?" ng celebrity mom-actress at TV-host na si Carmina Villaroel kasama ang kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. 


Tampok din sa episode ang mga kapwa niya miyembro ng Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Jao Mapa. Tinukso ni Carmina si Eric sa isang kuwento o box game kung saan si Eric ang pumili ng kwento. 




Matapos pumili, tinanong ni Carmina kung totoo bang magkarelasyon sila ng TV host/actress na si Toni Gonzaga. Kitang-kita sa mukha ni Eric ang reaksyon ng pagkagulat sa tanong. 


Tumigil siya saglit at hindi agad nakapagsalita. Ani Eric, hindi niya inaasahan ang tanong. Sumang-ayon din si Carmina na nagpapatunay na hindi rin siya makapaniwala sa ganoong tanong. 



Tinanong ni Eric si Carmina kung sinong Toni Gonzaga ang tinutukoy niya. Sagot ni Carmina, nag-iisa lang ang Toni Gonzaga sa showbiz. Tumigil sandali si Eric na parang nag-iisip pa. 


Sinagot niya ang tanong na iyon "oo, meron. Tinanong pa eh." 




Paniguradong tanong ni Carmina kay Eric, "so nagkaroon kayo ng relationship?" 


Sa pagkakataong ito, walang alinlangang kinumpirma ni Eric ang romantikong relasyon kay Toni. Tinanong din ni Carmina kung sino ang unang nakarelasyon nina Toni at Claudine Barretto. 



Ayon kay Eric, mas nauna ang relasyon nila ni Claudine kaysa kay Toni. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento