Annabelle Rama May Bagong Rebelasyon at Gustong Sampalin Ang Nagmamalinis Na Babaeng Ito!

Huwebes, Pebrero 29, 2024

 


Mukhang ito na ang inaabanga na grand pasabog ni Annabelle Rama sa ipagtatapat niyang rebelasyon tungkol sa isang tao na nagmamalinis na animo’y santa pero hindi naman pala. 


Nagulat ang mga followers ni Annabelle Rama ng nito February 27 ng maglabas ito ng galit sa social media na tila ay hindi na nakapagpigil pa pa.


Sobrang init daw ng ulo niya ngayon at halos gusto niyang manangpal at manabunot ng tao na nagmamalinis umano, na akala mo ay kung sinong santa. 


Mababasa sa post ni Annabelle, “Napakainit ng ulo kung ngayong oras na ito, gusto kung manang pal at manabunot ng tao, nagmamalinis, akala mo kung sinong santa.”





Pero nambitin pa si Annabelle dahil bukas pa daw ang big revelation ng mga detalye at tungkol dito at kung sino ang kanyang tinutukoy, “Abangan nyo bukas ang kwento ko.” pahabol pan ni Miss Annabelle. 


Dahil dyan ay umigting ang curiosity ng netizens, knowing si Annabelle na sobrang prangka at straightforward na tao ay tiyak na walang preno ang bibig nito sa mga ibubunyag niya tungkol sa tao ito na sanhi ng pag init ng kanyang ulo. 


Walang duda na babae ang tinutukoy ni Annabelle dahil tinawag niya itong santa at malakas ang pakiramdam ng netizens na si SL ang tinutukoy ni Annabelle dito. 




Matatandaang, noong December 2023 ay nagpaunlak ng interview si Annabelle Rama sa showbiz reporter na si MJ Felipe, at noon nga niya isiniwalat na hindi na makasama ng tirahan ang manugang niyang si Sarah Lahbati at anak na si Richard Gutierrez. 


Katunayan ay sa kanya daw nanunuloyan pansamantala si Richard pero yun lang muna ang kaya niyang ipahayag noon dahil di pa siya pinapayagan magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa balitang hiwalayan ng mag asawa. 


At ngayong tila may go signal na para mag reveal ng kanyang saloobin at mga nalalaman ay magsasalita ng araw itong si Annabelle na siya naman kinasabikan ng mga marites. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento