Andrea Brillantes Kinilig Kay Rico Blanco Dream Come True Ayon Sa Aktres!

Biyernes, Marso 1, 2024

 


Nagpapicture ang actress na si Andrea Brillantes kasama ang idol niyang OPM singer na si Rico Blanco.


Binagyang kulay ito dahil si Andrea ay binansagang playgirl, habang si Rico naman ay binansagan na mahilig daw pumatol sa bata dahil 25 years ang age difference nila ng girlfriend niyang si Maris Racal. 


Kinakantwayan ng mga netizens pareho sina Andrea and Rico dahil lamang sa isang picture na magkasama si lang dalawa.




Aminado naman ang 20-year-old actress na si Andrea Brillantes na noong paman ay fan na siya ni Rico Blanco. Kaya nang magkaroon ng chance na mapanood ito magperform ng live ay sobrang sayang ni Andrea dahil dream come true na daw ito.


Ipinakita ni Andrea through her IG stories na umatend sya ng Bobapalooza 2024 Music Festival. 


Kasunod nito ay in-upload din niya sa IG stories ang performance ni Rico Blanco sa naturang Event. Emotional moment daw ito para kay Andrea dahil sobrang favorite niya ang kanta at napanood pa niya ng live. 


Kung iisipin ay ordinary fun girling moment nang naman ang ginawa ni Andrea, tulad rin lang nang mga ginawa ng isang fans sa kanilang idol. Pero syempre dahil sii Andrea at Rico ito ay binigyan naman ng malisya ng iba. 





Mapapansin sa comment section na karamihan sa mga ito ay winawarningan si Maris Racal, girlfriend ni Rico na kabahan na daw at bantayan maigi  ang kanyang nobyo. Binigyang malisya ito ng iba bilang si Andrea ay stereotype pumapatol daw kahit may karelasyon na ang isang lalaki.


Matapos siya makaladgad sa break up ng Kathniel noon, na siya ang isa sa itinuturong babaeng pinatulan daw ni Daniel kaya napuno si Kathryn at hiniwalayan ang aktor. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento