Kathniel, Kumpirmadong Hiwalay Na Ayon Kay Xian Gaza?!

Biyernes, Disyembre 1, 2023


Nagulat ang mga netizens lalo na sa mga solid at die hard fans ng Kathniel, sa matapang na rebelasyon ng nagpakilalang national marites na si Xian Gaza tungkol sa celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bago matapos ang araw noong Miyerkules Nov, 29 2023 ay na-reveal ang facebook post ni Xian at ito ngayon ang mainit na paksa sa twitter at iba pang social media platforms.

Isa itong alegasyon na hiwalay ang Kathniel pero mukhang marami ang nakapansin na nagbago ang salaysay ni Xian kumpara noong nakaraang araw na indirectly niya itong sinaktan.

Ayon sa latest post ni Xian Gaza, "Hiwalay na ang Kathniel. Kompirmd. Goodnight. Sleep well." Nagkaroon na ng lakas ng loob si Xian na kumpirmahin ang mga tsismis sa break up at sinabi pa niya "Tama nga yung source ni Ogie". 

Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nagsiwalat sa diumano'y hindi pagpapalabas ng Kathniel at ang umano'y lihim na pagkikita nina Daniel at Andrea Brillantes, kaya naman tumanggap ng maraming bashing si Ogie mula sa mga fans.

Bwelta pa ni Xian, "Waiting sa official statement na kunyare sila pa at baka nagbago yung isip nila na huwag magsalita kasi ayaw nilang magsinungaling sa mga fans nila."

Sinagot ni Xian ang isang netizen na nagreklamo dahil hindi siya makatulog sa malaking rebelasyon. Pahayag ni Xian, "Tsismis ang hatid ko dito hindi peace of mind at ba't parang ikaw pa ata ang galit diyan eh sumasagap ka na nga lang ng chika eh paang ako pa tulo yung mali ngayon grabeng gaslight to."


Matapang din na tinawag ni Xian ang Kathniel fans na umaasa na hindi totoo ang naturang haka-haka.


"Kung ikaw ay isang tao na nasa tamang hulog ang pag-iisip at hindi baliw sa kanilang love team, alam mong hiwalay na talaga sila mula sa punto na hindi sila naglabas ng official statement for the last one month para sa peace of mind ng mga fans. "Wala na kami eh, so pano? Magsinungaling pa kami at sakpa pa sila lalo sa huli?" silence is the best option."

Sa huli ay ihahambing ni Xian ang sitwasyon ni Daniel sa kanyang tiyuhin na si Rustom Padilla o kilala ngayon bilang BB Gandanghari.

"Feeling ko susunod si DJ sa yapak ni Rustom at wala akong nakikitang mali doon. Ganyan na ganyan kasi yung hiwalayang Carmina Villaroel at Rustom Padilla eh."

Samantala, kinumpirma na ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang Instagram posts na hiwalay na ang dalawa at labis na ikinalungkot ng Kathniel fans ang kanilang break up. May iba pang fans na umaasa na magkakabalikan ang dalawa sa tamang panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento