Kathryn Bernardo, Aalis Na Sa Star Magic? Mapapanood Na Sa GMA?

Huwebes, Nobyembre 30, 2023


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-alis ng dating child star ng Star Magic at ngayon ay isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas, walang iba kundi ang Asia's superstar na si Kathryn Bernardo.

Ayon sa tsismis, nakatakdang lumipat si Kath sa talent management ng dating Kapamilya star na si Maja Salvador.

Ang Crown Artist Management kung saan makakasama niya ang ilan sa mga sikat na personalidad tulad nina John Llyod Cruz, Meryll Soriano, Jasmine Curtis, Bernadeth Sombrano at Miles Ocampo.

Sa loob ng dalawang dekada, magiging artista na si Kath ng Star Magic at marami na siyang nagawang matagumpay na proyekto, kabilang na ang teleseryeng Mara-Clara, Pangayo sayo, La Luna Sangre at iba pa.

Mabigat na balita para sa Star Magic ang balitang pag-alis ni Kath sa Star Magic, bagama't wala pang kumpirmasyon sa balitang aalis na si Kath sa Star Magic.

Lumutang ang mga tanong, ano kaya ang mangyayari sa kanyang career, mapapanood kaya siya sa GMA network? sa mga hindi nakakaalam, may dalawang projects pa si Kath na naka-line up para sa Kapamilya.

This is Elena 1944 a historical action drama film tungkol sa isang babae noong mga hapon sa Pilipinas at isang reunion movie kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Halo-halong reaksyon ang mga netizens sa balitang pag-alis ni Kath sa Star Magic, may nalungkot at may nasasabik sa mangyayari sa career ni Kath.

Pinipigilan ng iba si Kath na lumipat sa ibang management dahil ayaw nilang matulad si Kath sa ibang artista na nawala ang kasikatan nang lumipat sila sa ibang management.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento