Galit Na Galit! Karla Estrada Hinamon Ni Cristy Fermin!

Huwebes, Nobyembre 30, 2023


Columnist na si Cristy Fermin ang naghamon sa TV-host actress na si Karla Estrada na harapin siya sa kanyang source. Kaugnay ito ng pagtatanggi ni Karla sa source ni Cristy na hiwalay na ang anak na si Daniel Padilla sa long time girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Pagkatapos mag-report ni Cristy, nag-post agad si Karla sa kanyang facebook account at pinabulaanan ang naturang balita ni Cristy.

Ayon sa post ni Karla, "Cristy, anak, hindi ko na problema yun. Ang pinakamaganda magharap-harap kaming tatlo ng kaibigan niya na pinagsabihan niya , yun lang"

Sagot naman ni Cristy, "Hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino ang nasasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayo maghaharap kasama yung source ko."

Ibinunyag din ni Cristy na may sinusunod na kautusan hinggil sa pagsusulat ng mga source.

"Kami mo mga manunulat at columnista may mga writted rule sa aming trabaho na hindi kami nag iimbento lang at hindi pangangalanan ang source pero kung kinakailangan talaga na magkaharap-harap kami at ipinagpipilitan ni Karla Estrada na hindi totoo na hiwalay na Kath at Daniel" pahayag ni Cristy.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Karla hinggil sa hamon ng kolumnista sa kanya na patunayan ang katotohanan sa totoong estado ng relasyon nina Daniel at Kath.

Samantala, maraming fans ang sumuko at naniniwalang hiwalay na talaga sina Daniel at Kathryn.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento