Cristy Fermin Kinampihan Si Andrea Brillantes!

Biyernes, Disyembre 1, 2023




Usap-usapan ngayon ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin dahil sa kumpirmasyon niya sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla at galing umano sa bibig mismo ni Karla Estrada.

Itinanggi naman ito ni Karla at sinabing walang katotohanan ang sinabi ni Cristy Fermin hanggang ngayon ay mainit na balita ang hiwalayan sa Kathniel na isa sa sikat na aktres na si Andrea Brillantes ay nadawit pa dito.

Maraming bashing at hate comments ang natatanggap ni Andrea at tinawag pa itong flirt, pero kinampihan siya ni Cristy Fermin at sinabing may ipinaglalaban ang dalaga.

Sabi ni Cristy, "Posturang postura, talagang may ilalaban eh yung Andrea. Wala talagang binatbat si Kathryn. Tanggapin natin ang katotohanan. Paglakad, pagrampa lalong wala di ba. Model na model talaga si Andrea. Hindi siya pwede mapintasan sa ganoon."

Dagdag pa ni Cristy, ibang-iba ang fashion nina Kath at Andrea. Nakasuot si Kath na parang manang habang si Andrea naman ay sexing-sexy.

Umani ng batikos at pambabash ang natanggap ni Cristy dahil sa kanyang pahayag tungkol sa pananamit ni Kathryn.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento