Janno Gibbs Hindi Daw Kinaya Ang Realtalk Ni Rendon Labador! Nagwalkout Na Lamang Sa Sariling Show!

Linggo, Nobyembre 12, 2023

 


Trending ngayon si Janno Gibbs matapos siyang mapikon at mag-walk out sa sarili niyang show habang ini-interview niya si Rendon Labador.


Ito ang reaksyon ni Rendon sa pag-walkout ni Janno. Inimbitahan si Rendon bilang guest speaker sa "The Men's Room" kasama sina Stanley Chi at Janno Gibbs.


Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Rendon ang mga larawang ito. Kitang-kita rito ang mukha ni Janno Gibbs na parang nabigla sa sinabi ni Rendon at nakaturo pa sa kanya.


Maya maya ay nag walk out si Janno Gibbs na bakas sa mukha ang inis. Sinabi rin ni Rendon sa kanyang post, "Dapat iba nalang inimbita niyo kung hindi ninyo kaya ang salita ko."


Bukod sa mga imahe, pinuna rin ni Rendon ang ugali ni Janno Gibbs at sinabing nalagay siya sa nakakahiyang sitwasyon.


Sabi ni Rendon, "Hindi ko nagustuhan yung ginawang interview kagabi sa TV5 "The Mens Room" with @jannolategibbs & @stanleychi pumunta ako as a professional na tao sa show ninyo, kung mamamahiya lang kayo ng guest ninyo ay tigilan ninyo nalang yan."


Dagdag pa ni Rendon, hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ni Janno dahil sa mga sinabi niya laban sa kaibigan ni Janno na si Michael V.


Ayon kay Rendon, "Hindi ko alam na may tampo pala si @jannolategibbs dahil kaibigan niya daw si Michael V. Kung hindi mo kaya ang realtalk sana hindi ako ang inimbitahan ninyo."


Ang huling tanong ni Rendon tungkol sa isyu ay kung nasaktan ba si Janno dahil sa kaibigan o dahil sa salitang "LAOS". Ayon kay Rendon, nagbabago na siya pero sana ay walang kabastusan sa palabas.


Hiniling niya sa pamunuan ng TV5 na ayusin ang pag-iisip ng mga host para hindi masira ang show. Matatandaang nagkaroon ng conflict sa social media sina Rendon Labador at Michael V.


Ito ay matapos mag-post si Michael V tungkol sa mga content creators. Dapat daw maintindihan ng content creator ang kahulugan ng salitang: "CONTENT".


Umalma si Rendon sa sinabi ni Michael V at sinabing masakit ang katotohanan na si Michael V ay laos na at ang mga content creator na ang modernong media ngayon.


Kinikilala ang mga influencer bilang mga totoong celebrity ngayon at kung hindi marunong makipagsabayan sa mga influencers, manahimik na lang daw.


Hanggang ngayon ay wala pang komento si Janno Gibbs tungkol sa kanyang pagwalk-out sa nasabing show. Hindi rin alam kung ang episode na iyon mismo ay ipapalabas.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento