Tvj Nagpasaya Sa Kapamilya Show! Mga Reaksyon Ng Netizens, Alamin!

Linggo, Nobyembre 12, 2023

 


Sa unang pasabog ng Magpasikat sa It's Showtime, nanalo sa puso ng mga manonood ang pagganap nina Teddy Corpuz, Vhong Navarro at Jugs Jugueta o TVJ.


Nagsimula ang isang linggong pagdiriwang ng anibersaryo ng It's Showtime noong Nobyembre 6 kung saan muling nasaksihan ang sikat na segment ng programa.


Dito, babawi at sasayaw sa production number ang mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN na napapanood din sa Kapamilya channel, A2Z, channel 11 at GTV ng GMA-7.


Ang unang nakapasok sa kompetisyon ay ang grupo nina Teddy, Vhong at Jugs na tinawag ding TVJ kung saan nagbigay pugay sila sa mga Pinoy comedians na namayapa na.


Naantig ang mga manonood sa production number ng TV-hosts kung saan binuhay nila ang mga alaala ng mga yumaong Pinoy comedians na nagbigay saya sa publiko noong sila ay nabubuhay pa.


Sa pamamagitan ng AI o Artificial Intelligence, ang TVJ ay nagtransform bilang Comedy King Dolphy, Redford White at Babalu habang tumutugtog ng kantang "Sana'y maalala niyo kami".


Lalong naging emosyonal ang pagganap nina Teddy, Vhong at Jugs nang ipakita rin sa screen ang iba pang namayapa na komedyante.


Paliwanag ni Vhong sa konsepto ng kanilang Magpasikat production number, aniya, "14 years na ang It's Showtime, parang lahat nagawa na natin dito. So para sa amin, nag-isip kami, ano pa ba 'yung pwede nating ipakita?"


"Kaya naman naisip ng team namin na gawin ang AI doll na uso ngayon. Ang paggamit ng AI ay dapat ginagamit yan sa tama. Hindi po sa pangloloko. Lahat naman tayo darating dito pero syempre ayaw nating malimutan tayo ng mga tao."


"Na-miss ko rin kasi ang Magpasikat last year kaya at least, ngayon, nakabalik ulit ako para makapagpasaya ng Madlang People."


Samantala, inimbitahan din nina Vhong Navarro, Teddy at Jugs ang beteranang aktres na si Nova Villa na hindi napigilang umiyak habang ipinapakita ang AI images ng mga pumanaw na komedyante.


Aniya, "Kaibigan ko lahat yun. Nakasama ko lahat yun, lahat ng mga nakita niyo."


Umiyak din ang mga naulilang pamilya ng mga yumaong Pinoy comedians na nasa Showtime studio habang pinapanood ang grupo ni Vhong.


Kahapon, Sabado, Nobyembre 11, inanunsyo kung aling grupo ang Magpasikat 2023 Grand Champion. Ano ang iyong komento tungkol dito?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento