Coco Martin at Julia Montes, Trending Ang Kanilang Italy Photos!

Martes, Nobyembre 14, 2023


Bukas na ba sa publiko ang relasyon nina Julia Montes at Coco Martin?


Kinakiligan ng mga fans ang rumored couple at Kapamilya superstars na sina Julia Montes at Coco Martin.


Matapos silang mamataan na magkasama sa Italy, ayon sa ilang netizens, tila naging open na sa publiko ang dalawa dahil sa mga sweet moments nila ng mga larawan at ilang video clips mula sa nasabing bakasyon sa Italy.


Ang kanilang mga kuhang litrato ay mula sa instagram post ng B617 Artist Management, matapos nilang ibahagi sa kanilang instagram page ang sweet moments nina Julia at Coco.



Dahil dito, hindi maiwasan ng kanilang mga tagahanga na mapansin na iba na ang ipinakitang sweetness ng dalawa kumpara noon.


Makikita sa mga larawan ngayon ang matinding pagmamahal sa isa't isa habang magkahawak-kamay at magkaakbay na naglalakad.


Malaking bagay ito para sa ilan dahil ilang taon na ang lumipas mula nang pumutok ang alegasyon sa kanilang relasyon at ang isyu na meron silang anak ngunit hindi ito kinumpirma ng dalawa.


Hindi rin direkta ang kanilang mga sagot kapag tinanong kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Hinahangaan din ng ilang netizens ang pagpapahalaga ng dalawa sa kanilang privacy sa kabila ng kanilang kasikatan sa showbiz industry


Matapos i-share sa publiko na 12 years na sila ni Julia, naging kontrobersya ito dahil 16 years old pa lang si Julia samantalang 29 na si Coco.


Na bulgar din ang panliligaw ni Coco nang sabihin niyang nagparamdam na an siya kay Julia noong katorse anyos ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento