Toni, Ikinwento Kay Alex Ang Nakakaiyak Na Eksena Habang Nakatingin Sa Baby Nilang Si Polly!

Martes, Nobyembre 14, 2023


Usap-usapan ngayon ang pagbabahagi ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga tungkol sa kaniyang pagkalaglag sa pangalawang pagkakataon.


Matatandaan na napabalitang muling nakunan si Alex dahil sa kanyang Instagram post nitong mga nakaraang buwan.


Hanggang sa ngayong buwan ay nagpaunlak ito ng interview ito sa kapatid niya na si Toni Gonzaga.


Kuwento ni Alex, ayaw talaga niyang pag-usapan ito, pero si Mikee na mismo ang nagsabi na magandang ibahagi nila ang mga pinagdaanan nila dahil maaari itong maging inspirasyon sa iba na dumaraan din sa parehong sitwasyon.



Kaya naman kahit umiiyak ay malakas ang loob ni Alex na ibahagi ito kasama ng kanyang mga realisasyon sa gitna ng masakit na pangyayari.


Kuwento ni Alex, nang mabuntis si Toni sa pangalawang baby nila ni Paul, hindi naging maganda ang paglabas ng balita dahil hindi nila mai-announce ng maayos kay Alex ang pagbubuntis dahil iniisip nila kung ano ang mararamdaman nina Mikee at Alex.


Inamin ni Alex na galit at na inis din siya pero ipinaliwanag sa kanya ng asawang si Mikee dahil tatlong taon pa silang kasal at maaga pa para mawalan ng pag-asa.


Sabi ni Alex, nang makunan siya sa pangalawang pagkakataon, nakita niya kung gaano kalungkot si Mikee, kaya naman labis ang paghanga ni Alex sa kanyang asawa dahil sa malawak na pang-unawa nito.


Kwento ni Alex, "Ano si Mikee, very supportive siya talaga. Hindi niya pinapakita sa akin yung emotions niya pero ang pinaka nakita ko kay Mikee is talagang partner siya. Hindi niya talaga ipaparamdam na kasalanan mo."


Samantala, hindi na napigilan ni Toni ang pag-iyak habang nagkukuwento noong katatapos lang nilang magpa-check-up ni Alex at nalaman na hindi na matutuloy ang kaniyang pagbubuntis.


Nakita ni Toni kung paano tumingin si Mikee sa kanya at ni baby Pauli. Nadurog ang puso ni Toni para kay Mikee ngunit napag-usapan nila sa pamilya nawala sa kanila ang iiyak kapag nandoon na ang mag-asawa.


Kwento ni Toni, "Pumunta ka dun sa bahay tapos tapang-tapangan lang din kami na walang iiyak, pupunta dito si Catherine. Hindi natuloy ang pregnancy diba? Tinry namin lahat na maging masaya for you"


"Tapos diba sinabi ko sayo, naawa ako kay Mikee. Naawa ako kasi ikaw nakita kong tanggap mo na may peace kana, tapos nakita ko yung mukha ni Mikee sa gilid. Siguro nag sink-in na sa kanya na okay, hindi tuloy yung pregnancy."


Sa ngayon, dahil sa dalawang miscarriages ni Alex, nagpasya ang mag-asawa na subukan ang IVF para kahit papaano ay tumaas ang pagkakataong mabuntis si Alex.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento