Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda Vhong at Jhong Natahimik Dahil Sa Bad Word Na Nasabi Ni Amy Perez Sa Live TV!

Martes, Nobyembre 14, 2023



Humingi ng paumanhin sa mga manonood ang reyna noon ng palabas na si Tiyang Amy Perez.


Ito ay matapos niyang sabihin ang private part ng babae kanina sa It's Showtime



Sa TNT segment ng It's Showtime, masayang nag-bonding ang It's Showtime hosts na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Vice Ganda at Amy Perez.


Hanggang sa pinagtatawanan nina Vice Ganda at Vhong si Tiyang Amy dahil sa kanyang pagiging mali.


Ayon kay Vhong at Vice, "Binasa mo yung spills niya Tiyang", sagot naman ni Tiyang Amy, "Ako kasi masunurin, kung anong nandoon yung ang babasahin ko."


Natatawa si Vhong kaya napansin ito ni Tita Amy at sinabing "Tawang tawang Vhong?"


Ayon kay Vice, "Si Tiyang habang tumatagal naging wrong-wrong na, mali mali."


Natawa si Tiyang  Amy sa mga biro ng hosts nila, hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabanggit niya ang private part ng babae.


Ayon kay Tiyang Amy, "Ay puk*!" halos hindi maipinta ang mga mukha ng mga host dahil alam nilang may mali sa sinabi ni Tiyang Amy.


Pero agad namang humingi ng paumanhin ang veteran host sa audience.  Paliwang nito, "Sorry po sorry po, sorry madlang people. Si Vhong kasi ginugulat ako. Nasabi ko palaka."


Hindi dito natapos ang usapan ng apat dahil nagbiro pa si Vice Ganda na gusto na naman mag hongkong It's Showtime family.


Samantala, umaasa naman ang mga manonood na hindi papalakihin ang mga sinabi ni Tita Amy.


Matatandaang kahit katiting na pagkakamali ng It's Showtime ay binabatikos na agad ng MTRCB, kaya naman hinihiling nilang isaalang-alang ang nasabi ni Tiyang Amy.


Isa pa kitang kita naman na hindi intensyon ni Tiyang Amy na sabihin ang bagay na iyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento