Vhong Navarro Todo Alalay Kay Ate Girl Jackie!

Lunes, Nobyembre 20, 2023

 


Ang mga kaganapan ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Ate Girl Jackie ay tinatangkilik ngayon ng publiko.


Ang kaganapang ito ay nakunan sa bahagi ng It's Showdown segment ng It's Showtime dahil ang mga host ay may mga trick kung paano i-sho-shoot ang bola sa isang basket.


Havey na havey ang mga paraan nilaVice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Ate Girl Jackie para ma-shoot nila ang bola sa basket.


Pero ang mas nakakuha ng atensyon ng audience ay kung paano inalagaan at sinuportahan ni Vhong ang kanyang co-host na si Ate Girl Jackie.



Matapos ihagis ni Vice Ganda ang bola ay nasalo ito ni Jackie habang naka split, nang tatayo na si Jackie ay mabilis na lumapit si Vhong Navarro para alalayan siya.


Pagkatapos nito, agad na pinuri si Vhong at nagkaroon ng maraming reaksyon mula sa audience. Ayon sa audience, very protective at supportive si Vhong sa mga female co-hosts niya.


Dagdag pa rito, si Vhong daw ang tunay na depinisyon ng gentleman at binansagan pa itong walking green flag.


Samantala, narito ang video na kuha sa mga kaganapan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento