Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda Nadulas Sa Next Project Ni Kim Chiu!

Lunes, Nobyembre 20, 2023


Ibinunyag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa It's Showtime ang kumpirmasyon na ang Chinita Princess Kim Chiu ang gaganap na leading lady sa Pinoy adaptation ng Korean drama series na What's wrong with Secretary Kim.


Sa isang episode ng It's Showtime sa Tawag ng Tanghalan segment, biglang napag-usapan ng mga host ang kawalan ngayon ni Kim Chiu sa It's Showtime.


Napikon kasi si Vice Ganda nang tanungin siya ni Vhong Navarro kung bakit absent ang ilang It's Showtime hosts.



Ayon kay Vice Ganda, "Tanong ng tanong, ako ba manager nila? pati si KIm Chiu tinatanong sa akin."


Sa pagkakataong ito, nakialam si Tita Amy dahil alam niya ang ginagawa ngayon ni Kim Chiu.


Ayon kay Tiyang Amy, "Wala si Kim, busy sa kanyang bagong proyekto. Nag wo-workshop."


Matapos itong sabihin ni Tiyang Amy, dito na binuking ni Vice Ganda ang bagong proyekto na kasalukuyang ginagawa ni Kim Chiu.


Ayon kay Vice Ganda, "Yung ano, what's up madlang people, di joke lang yung secretary."


Sabat naman ni Jhong Hilario, "Oo yung adaptation"


Dahil sa pag-uusap nila ng mga It's Showtime hosts tungkol sa proyekto ni Kim Chiu, kinumpirma ng fans na si Kim Chiu ang gaganap bilang secretary sa What's wrong with Secretary Kim drama series.


Matatandaang kalat na kalat ito sa social media pero walang kumpirmasyon pero ngayon ay mula kay Vice Ganda na mismo na para kay Kim Chiu ang naturang proyekto.


Ayon sa mga tsismis, makakasama ni Kim Chiu ang sina Jake Ejercito at Paolo Avelino, ang mga co-star niya sa Linlang. Gayunpaman, hindi pa niya alam ang kanyang leading man.


Ang mga tagahanga ni Kim Chiu ay naghihintay ng isang bagong yugto ng pag-aabangan sa actress.


Bukod pa rito, gagawin ni Chinita Princess ang isang hit korean drama series.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento