Tunay Na Dahilan Ng Pagaayos Nina Vice Ganda at Billy Crawford Sa Its Showtime!

Huwebes, Nobyembre 9, 2023


Iginulat ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang madlang people sa It's Showtime na muli silang bumisita sa It's Showtime.


Kabilang sina Billy at Coleen kasama ang kanilang anak sa mga special guest sa sikat na performance ng team ni Vice Ganda.


Si Billy ang host mula sa pagsisimula ng programa noong 2009 hanggang sa kanyang pag-alis noong 2018. Si Coleen ay bahagi rin ng It's Showtime ngunit umalis noong 2016.



Ang reunion nina Vice at Billy ay hindi inaasahan ng kanilang mga fans at maging ng kanilang mga co-host dahil nagkaroon ng espekulasyon na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan matapos nilang i-unfollow ang isa't isa sa social media.


Nilinaw ni Vice pagkatapos ng kanilang magpasikat performance na maayos na ang relasyon nila ni Billy.


Sapat na ang pagpayag ni Billy na sumali sa kanilang performance kahit abala siya sa taping ng The Voice Generation sa GMA7 para ipakita sa lahat na magkasundo sila ni Vice.



Saad ni Vice, "Lingid ho sa kaalaman nnyo, okay na okay na kami ni Billy pero hindi kasi kami yung tipong... basta okay kami."


"Nag te-text kami, hindi namin ito napag-usapan pero nung kahapon yung concept nila Anne na healing, bigla kong napaisip."


"I think maganda kung hindi lang natin basta sinasabi yung salitang healing, yung dapat ipinaparamdam din natin para maramdaman nung ibang tao na hindi lang siya basta sinasabi."


Isa rin si Billy sa mga taong mahalaga kay Vice kaya hindi niya matiis na hindi ito makausap habang buhay.



Sinabi ni Billy na utang niya ang lahat sa It's Showtime, na naging daan upang makilala ang asawa niyang ngayon na si Coleen, kahit lumipat siya sa ibang network, hindi mabubura ang katotohanang malaking bahagi ng puso niya ang It's Showtime.


Sa huli, humingi ng paumanhin si Billy sa kanyang mga dating co-host at sa audience.


"Kaya on my end, I want to say I'm sorry. I am sorry madlang people. I am sorry kapamilya. Magpapakumbaba na po ako. Gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento