Boy Abunda, Emosyunal Sa Muling Pagtatagpo Nila Ni Kris Aquino!

Huwebes, Nobyembre 9, 2023



Naging emosyonal ang reunion nina Boy Abunda at Kris Aquino, maraming netizens ang naantig sa ibinahagi sa publiko ng King of Talk, Boy Abunda.


Dahil sa mahabang panahon, personal niyang nakita at nahalikan ang best friend at talk-show partner na si Kris Aquino.


Sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento niya ang tungkol sa pagkikita nila ni Kris at ilang updates tungkol sa Queen of all Media.



Hindi batid sa publiko na si Kris ay nakatira ngayon sa Amerika kasama ang kanyang mga anak habang nagpapagamot matapos tamaan ng nakamamatay at hindi pangkaraniwang sakit.


Ayon kay Tito Boy, aminado siyang hindi niya mapigilang maging emosyonal nang makausap niya si Kris.





"It was a happy, beatiful reunion dahil matagal kaming hindi nakita ni Kris, text lamang at sa telepono lang kami nagkakausap. It was different seeing her."


"Tatanggapin ko po, ako ay naging emosyunal sinabi rin naman ito ni Kris, I was emotional."


"Pinipigalan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko si Kris."


Naganap ang kanilang heart-warming reunion nitong Oktubre, tandaan na matagal na silang magkasama sa iba't ibang programa sa TV kaya patok ang kanilang tandem mula noon.


Dagdag pa ni Tito Boy healt condition ni Kris, "Yung kanyang health condition, pabago-bago nagbabago kaya sabi ni Kris sa akin, 'Boy baka hindi accurate'."




Nilinaw din ni Tito Boy ang dahilan kung bakit tatagal ng 15 hanggang 18 months ang pananatili ni Kris sa Amerika, ang dahilan nito ay sa Amerika lang available ang gamot na kailangan ni Kris.


Ibinahagi rin ni Tito Boy ang mensahe ni Kris kung saan taos-puso siyang nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan.


Sa huli, ang hiling ni Tito Boy ay agad na gumaling si Kris para marami pa silang mga programa sa telebisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento