Tito Vince, hindi maitago ang tuwa sa posibleng pagbubuntis ni Toni Fowler!

Sabado, Nobyembre 11, 2023

 



Higit na mas masaya ang pamilya Toro, lalo na ang anak ni Toni Fowler na si Tyronia, at ang kanyang kasintahang si Tito Vince, matapos maghinala ang vlogger na maaaring buntis siya.


Sa latest episode ng vlog ni Toni ngayon, pinamagatan nila itong "Delay" dahil ayon sa kanya, one week na raw siyang late sa kanyang regla.


Dahil dito, sinubukan niyang kumuha ng pregnancy test kung saan, ang unang resulta ay malabo ang pangalawang linya. Ito ay maaaring senyales ng maagang pagbubuntis.


Pero sa mga sumunod na pregnancy test, negative, kaya naman lalong nag-alala si Tito Vince lalo na't naramdaman talaga ni Toni Fowler na buntis siya.


Napansin din daw niya ang mabilis na pagbabago ng kanyang mood at bukod dito ay tila huminto siya sa pag-inom ng pills noong nakaraang buwan.


Maaaring nabuo ang sanggol noong mga araw na hindi sya nagpills. Kaya naman, para makasigurado, tumawag si Tito Vince ng isang obgyne na kayang mag-home-service.


Dito sinabi ng doktor na masyado pang maaga para sabihin na 100% buntis si Toni. Gayunpaman, sinabi niya na 70% ang maaaring maging positibo dahil sinabi niya na wala siyang nakitang anumang senyales sa ultrasound na dadatnan ang vlogger.


Dahil dito, maghihintay pa sila ng dalawang linggo hanggang isang buwan para makumpirma ang kanyang pagbubuntis. Samantala, inakala ni Tyronia na niloloko lang siya nang sabihin ni Toni na baka buntis siya.


Hindi naman lihim na matagal nang gusto ni Tyronia ng isang kapatid kaya naman excited siya sa balitang ito. Ipinaalam din nila kay Tatay Elon at excited din sila na dumating na ang tamang araw para kumpirmahin ang pagbubuntis ni Toni.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento