Pinag-uusapan sa social media ang kasalukuyang estado ng relasyon ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Napansin ng ilang netizens na hindi na nagpo-post ang dalawa ng mga larawan na magkasama.
Sa Instagram post ni Richard, makikita ang mag-ama na nagtatampisaw sa swimming pool at wala si Sarah sa larawan.
Samantala, sa Instagram post ni Sarah, kasama rin niya ang kanyang mga anak at nawawala sa picture si Richard.
Napakaraming netizens ang nagtatanong kung bakit hindi sila kumpletong pamilya sa mga larawang ibinabahagi nila.
Napansin din ng iba na hindi kasama ni Richard si Sarah sa pinaka latest na event.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati hinggil sa kumakalat na balitang hiwalay na ang dalawa.
Ang huling post ng dalawa ay noong dumalo sila sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez sa Bali, Indonesia.