Nagulat Ang Ibang Candidates Sa Outfit Ni Michelle Dee!

Martes, Nobyembre 7, 2023


Nagulat ang mga contestant lalo na sina Miss Egypt, Miss Lebanon at Miss Bahrain sa napakasexy at daring outfit ni Miss Philippines Marquez Dee.


Hindi napigilan ni Miss Lebanon na gumawa ng video kasama si Michelle at ipinost pa ito sa kanyang Instagram account.



Sa ika-apat na araw sa El Salvador, si Michelle ang tanging Southeast Asian na pinili ng Miss Universe organization upang maranasan ang kagandahan ng bansang El Salvador at maglakbay kasama ang iba pang mga kandidata.


Walang duda na si Michelle ay kumikinang at nagsusuot ng pinakamagandang damit sa kanilang lahat.



Samantala, ayon naman sa Thailand page na Talkmissthailand, ginagaya daw ni Michelle ang style ni Miss Thailand, ayon sa kanila galing daw sa Thailand ang ganitong style ng pananamit.



Pero mali ang akala nila dahil isang Filipino-Canadian fashion designer ang nag design ng damit na suot ni Michelle Dee.


Mukhang hindi effective ang pamba-bash ng Thailand fans dahil imbes na mag-away ang mga pinoy fans ay mga positibong komento ang tugon ng mga Pinoy.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento