Annabelle Rama, Tinuturong Rason Sa Hiwalayang Richard at Sarah!


Tampok sa usapan ni Cristy Fermin ang aktres at talent manager na si Annabelle Rama.


Sa latest episode ng Showbiz Now, tila si Annabelle ang sinisisi sa hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, bagama't wala pang kumpirmasyon, matatandaang naghiwalay na ang dalawa.



Mula nang mapansin ng mga netizens na hindi magkasama ang dalawa sa kanilang latest pictures sa Instagram at kasama lang nila ang kanilang dalawang anak.


Lalo pa nabigyan ng idea ang netizens ng mag post si Sarah na isang cryptic post kung saan mababasa ang "How to love the Unlovable" na isang reflective article.



Samantala, ang pangalan ng ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama ang sinasabing dahilan ng hiwalayan.


Ayon kay Cristy Fermin, "Ang una-una nilang pinagdidiskitahan na naging dahilan ng problemang ito, kung too ngang hiwala na sila yung bang nangyaring di pagkakaunawaan ni Tita Annabelle at ng mommy ni Sarah Lahbati."


Ayon kay Cristy, pinakikialaman ni Annabelle sina Richard at Sarah, na hindi gusto ng ina ni Sarah Lahbati.



Gusto kasi nitong bigyan ng kalayaan ang dalawa na mag mature bilang mag-asawa.


Sa kasalukuyan, walang opisyal na pahayag o reaksyon si Annabelle hinggil sa aming isyu. Hindi rin kumpirmado kung talagang hiwalay na ang dalawa.


Samantala narito naman ang mga komento ng mga netizens.