Vice Ganda Kaagad Na Kinomfort Ang Mga Natalo Sa Mini Miss U Sa It's Showtime!

Lunes, Oktubre 30, 2023



Inaliw ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang lahat ng grand finalists na hindi isa-isang nanalo sa Mini Miss U.


Sa pinakabagong episode ng It's Showtime, naganap ang pinakahihintay ng madlang people, ang Cutest Finale ng Mini Miss U, iisa lang ang nagwagi sa segment na ito ng palabas para sa mga bata.


Kaya nakakalungkot talaga sa mga bata na hindi manalo sa nasabing kompetisyon at dahil dito agad na inagapan ni Vice Ganda ang lungkot na nararamdaman ng mga Mini Miss U contestants.




Isa-isang niyakap ni Vice Ganda ang mga batang nabigong makuha ang titulong Mini Miss U sa backstage.


Samantala, dahil natapos na ang Mini Miss U, papalitan ito ng It's Showtime ng bagong segment sa Lunes, kaya naman excited ang mga manonood sa bagong trick ng Showtime nito.


Hinihiling ng audience ang pagbabalik ng Sine Mo To kung saan dinadala ng It's Showtime hosts ang audience para lumahok sa pag-arte para marami ang mabigyan ng premyo.




Sa kabilang banda, trending pa rin sa social media ang grand finale ng Mini Miss U.


Masaya ang mga manonood at na-manage ng It's Showtime family ang segment kahit pagod na pagod ang staff nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento