It's Showtime Grand Comeback After 12 Days Suspension!

Lunes, Oktubre 30, 2023



Nagbabalik sa telebisyon ang noontime show na It's Showtime noong Oktubre 28, 2023. Matapos ang labindalawang araw ng pagkakasuspinde, bumalik ito sa pambansang telebisyon.


Sa pagbubukas ng produksyon ng It's Showtime, kapansin-pansing binigyang-diin ang salitang "comeback" na tila kahit anong problema ang kanilang kakaharapin ay magiging matatag at matatag pa rin sila.


Pinangunahan ito ni Vice Ganda, sa katunayan ay buong pagmamalaki ni Ion Perez ang nag-video ng performance ng kanyang partner na si Vice Ganda.




Samantala, pagkatapos ng performance ng It's Showtimes hosts, nagbigay ng mensahe si Vice Ganda sa audience na matiyagang naghintay sa kanilang pagbabalik.


Ayon kay Vice Ganda "We're back and we miss you madlang people! Tapos na ang 12 days na miss natin ang isa't isa. Comeback is real! Ito na miss niyo ba kami?"


Dagdag pa ni Vice Ganda sa mga manonood, talagang pinaghandaan nila ang kanilang pagbabalik, kaya asahan na ang magandang performance na kanilang ihahatid sa kani-kanilang mga pagtatanghal.



Sa kabilang banda, nagpasalamat din ang It's Showtime family sa It's Your Lucky Day sa pagpapasaya sa kanila habang sila ay sinuspinde.


Hiling pa nila ay sana ay magkaroon ng naturang slot ang show para mas maging masaya at madlang people. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento