Vice at Ion Kinilig Sa Tula Ni Mini Miss U Eury!

Huwebes, Oktubre 5, 2023


"Ipagtanggol ang tagapagtanggol ng kasiyahan"  ito ang linyang pumatok sa pinakabagong episode ng It's Showtime mula sa tula ng Mini Miss U grandfinalist na si Eury Villena.


Ang mga salitang ginamit ng inosenteng bata sa semi-finals ng Mini Miss U ay ikinagulat ng mga manonood dahil may koneksyon ang bawat salitang sinasabi ng bata sa mabigat na problemang kinakaharap ngayon ng It's Showtime.


Mas naintindihan ng manonood tungkol saan ang tula ni Eury nang banggitin nito ang pangalan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.



Ayon kay Eury kay Vice Ganda, "Kaya Meme Vice sa icing wag ng matatakot, wag magpapatalo sa tumitingin at nag-iisip ng kakarampot. Makikita rin nila ang nakikita kong inosenteng mga mata. Ngayon may hindi katanggap-tanggap sa iba, darating ang panahon na maiintindihan nila."


Matatandaang nagsimula ang kalbaryo ng It's Showtime sa MTRCB dahil sa viral icing cake scene na ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa Isip Bata Segment ng It's Showtime.


Ayon kay Eury, walang masama sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez. Sa katunayan, ito rin ang sinasabi ng ilang magulang na nakapanood ng kabuuan na wala silang nakitang kabastusan.



Samantala, ayon sa tula ni Eury dapat ipaglaban ng mga tao ang It's Showtime dahil walang ibang hangad ang It's Showtime family kundi ang mapasaya ang manonood.


Sa kabilang banda, wala si Vice Ganda sa Mini Miss U kaya hindi siya nakapag-react sa madamdaming tula ni Eury. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento