GMA Network May Hinahanda Sa Its Showtime!

Biyernes, Oktubre 6, 2023


Sa bihirang pagkakataon, muling ipinakita ng magkatunggaling network ng ABS CBN at GMA network na tapos na ang network war sa pagitan nila.


Bago ang nalalapit na suspension, bumisita at nagkatuwaan ang mga boss ng GMA7 sa pangunguna ni Senior Vice President Annette Guzon-Valdez sa opening segment ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.


Nandoon din sina GMA Artist Vice President Joy Marcelo, Senior Talent Manager Tracy Garcia, Janna Revilla at Carmina Cruz.



Present din sa It's Showtime ang ABSCBN executives na si COO Cory Vidanes. Hindi pinalampas ng mga host ng It's Showtime na pabatiin sina Annette Guzon-Valdez at Cory Vidanes sa kanilang iconic greetings na "What's up madlang people!"


Binati rin sila ng "What's up madlang Kapuso!" bilang pagpupugay sa kapuso viewers. Ito ang unang pagkakataon na bumisita si Annette Guzon-Valdez at iba pang GMA network executives sa studio ng It's Showtime simula nang ipalabas ang programa sa GTV.


Pasabog ang paglipat ng It's Showtime sa Kapuso network, malayo sa naranasan sa bagong Eat Bulaga, na inulan ng bash sa unang episode nito.



Kaya naman laging top trending ang It's Showtime simula nang lumipat ito sa GTV ng GMA network.

2 komento:

  1. I'm very happy sa good news na Yan. Sobrang nakakagood vibes

    TumugonBurahin
  2. asan ang goodnews

    TumugonBurahin