Ray Parks tinawag na ‘sugar mommy’ si Zeinab!

Lunes, Oktubre 9, 2023



Bumili ng mamahaling bag si Zeinab Harake bilang pambawi sa kanyang kasintahan na si Bobby Ray Parks Jr.


Sa kanyang Instagram story, ibinunyag ni Ray Parks ang pagbisita sa kanya ni Zeinab sa Japan para sa kanilang monthsary.


Maririnig sa video na sinabi ni Zeinab sa basketball player na "pambawi" niya kay Ray Parks ang Goyard bag na binili niya dahil binayaran ng boyfriend niya ang lahat ng kinain nila at namili.


Nagbiro si Ray Parks tungkol kay Zeinab sa caption. “Sugar mommy, I love you,” aniya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento