Inihayag ni Kris Aquino na patuloy na bumubuti ang kanyang kalusugan habang nagpapagamot siya mula sa mga autoimmune disease specialist sa Amerika.
Ayon kay Kris, bumuti na ang kanyang "inflammatory numbers" at nabubuhay siya sa lahat ng side effects ng methotrexate at biological injectable treatments.
Ipinahayag din ni Kris ang pag-asa na makakamit niya ang remission sa susunod na 18 hanggang 20 buwan at pagkatapos ng anim na buwan ay bibigyan siya ng clearance ng kanyang mga doktor para makauwi na siya sa Pilipinas.
Samantala, muling idiniin ni Kris na wala siyang karelasyon.
“I don’t know what good i did but i know i’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing,” aniya sa Instagram post nitong October 2.
“I don’t have my complete blood panel results yet but there’s an improvement in my inflammatory numbers, in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate.
“Hopefully in the next few days I’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. Wag na natin (Let’s not) discuss my CBC, as always i’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed),” dagdag pa niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento