Advertisement

Responsive Advertisement

KATUWANG SA HANAPBUHAY: ASPIN NA KONDUKTOR, TUMUTULONG SA AMO SA PAMAMASADA NG JEEP

Huwebes, Hunyo 19, 2025

 



Isang nakakatuwang kwento ng katapatan at pakikisama ang kumalat sa social media kamakailan—ang tungkol sa asong si Rocky, isang aspin na tila ba opisyal na kondoktor ng jeep ng kanyang amo na si Mang Fernando, isang jeepney driver sa Maynila.


“Hindi ko na iniisip na alaga ko lang siya. Kasama ko siya sa trabaho, katuwang ko siya sa buhay. Simula pa lang, kasama ko na ‘tong si Rocky. Parang alam niya trabaho ko, eh. Minsan mas alerto pa sa akin,” kwento ni Mang Fernando habang natatawa.



Araw-araw, makikitang nakasilip ang nguso ni Rocky sa bintana ng jeep habang naghihintay ng mga pasaherong tatawid mula sa kabilang kalsada. Kapag unti-unti nang napupuno ang jeep, lilipat na siya sa harapan, sa tabi ng kanyang among si Mang Fernando.


Hindi man siya marunong magsukli, si Rocky ang tagapagbantay sa jeep—tahimik pero alerto, at palaging umaalalay sa amo sa kanyang simpleng paraan. Kilala na siya ng mga suki at estudyanteng sumasakay araw-araw.



Sa panahong maraming alagang hayop ang itinatali lang o ikinukulong, si Rocky ay may malayang espiritu—pero may malasakit at katapatan sa kanyang amo. Hindi na siya kailangang sabihan, kusang sumasakay at bumababa kung kinakailangan, at hindi rin umaalis hangga’t hindi pa tapos ang biyahe.


Sa gitna ng abalang kalsada, trapik, at init ng araw, isang tahimik na inspirasyon ang nagbibigay ngiti sa mga pasahero—si Rocky, ang asong konduktor. Ipinapakita niya na hindi kailangan maging tao para makatulong at maging bahagi ng araw-araw na kabuhayan. Minsan, ang katapatan ng hayop ay mas wagas pa kaysa sa tao.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento