Paolo Contis Ayaw Muna Magpa-interview Dahil Sobrang Nahihiya Sa Pagiging Bastos at Mayabang Niya!

Lunes, Marso 11, 2024

 


Si Paolo Contis, isang host at komedyanteng aktor, hindi muna nagpapahayag ng kanyang saloobin sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya at nagpapakita ng panghihinayang sa kanyang mga dating asal.


Ayon sa mga ulat, lubos na naapektuhan si Paolo Contis sa desisyon ng Television and Production Exponents o TAPE Incorporated na itigil ang pagpapalabas ng kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya.


Bilang isa sa mga pangunahing host ng programa, ginamit ni Paolo ang kanyang posisyon para ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan sa gitna ng isyu ng trademark sa pagitan ng TAPE at ng mga dating host ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.



Sa isang ulat ni Ogie Diaz, tinanong niya si Paolo tungkol sa kanyang saloobin sa pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya, ngunit tumanggi ang host na makipag-usap sa kasalukuyan.


 Ayon kay Ogie, “Hinihiling niya na huwag muna siyang kausapin dahil malungkot siya at hindi pa siya nakakabangon mula sa pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya. Gusto niyang mag-isa. Sino ba naman tayo para guluhin ang bata, di ba?”


Dagdag pa ni Ogie, kailangang magbayad ang TAPE ng 800 milyong piso sa GMA Network, kaya naisipan ng kumpanya na itigil ang kanilang noontime show dahil sa lumalaking utang at mababang ratings, kahit na ang kanilang mga social media account ay hindi umaani ng maraming viewers.



Sobrang nakakahiya rin daw para kay Paolo ngayon ang kanyang mga dating pahayag at parinig laban sa mga batikang trio, na tila hindi niya naaayon ang respeto. 


Naalala rin na ginaya niya ang hitsura ng TVJ at pinaradahan pa ito, na lalong nagpataas ng galit ng mga manonood at sumadsad ang ratings ng kanilang programa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento