Good News! It's Showtime, May Good News Sa Lahat Ng Madlang Pipol at Solid Showtimers!

Lunes, Marso 11, 2024

 


May magandang balita ang It's Showtime para sa kanilang mga tagahanga at solid na mga showtimer. Pagkatapos na kumpirmahin ng TAPE ang pagtatapos ng kanilang noontime show sa GMA 7, maraming naglabasan na balita at spekulasyon tungkol sa plano ng GMA 7 para sa papalit na noontime show.


May malakas na usap-usapan ngayon na ang Kapamilya noontime show na It's Showtime ang posibleng papalit dito, lalo na't ngayon ay trend na ang mga collaboration ng mga TV Network. 


Considered na rin daw ng ilan na kapuso ang It's Showtime dahil ipinalalabas ito sa isa pang channel ng GMA, ang GTV. Marami ang sumasang-ayon sa balitang ito, dahil magiging maganda ito para sa It's Showtime dahil mas maraming manonood ang makakapanood sa kanila kung mangyari ito.



Gayunpaman, mayroon ding nagsasabing hindi ito magiging posible para sa GMA dahil mas nais umano nitong bigyan ng exposure ang kanilang mga talento o mga artista. May mga usap-usapan na hindi na plano na ilipat sa oras ng tanghalian ang kanilang late morning show na TiktoClock na inihahandog nina Kuya Kim at Poohkwang.


May balak din na isama at maging bahagi ng mga host si Michael V., isang kilalang komedyante, para makipagsabayan sa ganda at TVJ. Kung sakaling ito ay matuloy, tiyak na magiging buhay muli ang kompetisyon sa mga noontime show.


Samantala, patuloy pa rin ang pagkilala sa It's Showtime, kamakailan lamang ay tumanggap ito ng mga bagong parangal. Kinilala muli bilang pinakamahusay na noontime variety show sa first Perpetualites Choice Awards ang It's Showtime. 



Kinilala rin bilang pinakamahusay na Female TV personality ang isa sa mga host nito na si Anne Curtis, at bilang pinakamahusay na noontime variety show host si Unkabogable Star Vice Ganda. Ito ay patunay lamang na talagang patuloy na sinusubaybayan ng maraming tagahanga ang kanilang programa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento