Gerald Anderson, No Comment, Masaya Sa Success Ni Kim Chiu Ngayon!

Sabado, Marso 9, 2024


Hindi napigilan ni Gerald Anderson na magbigay ng kanyang reaksyon at pahayag sa kasalukuyang tagumpay ng kanyang dating kasintahang si Kim Chiu. Sa isang panayam kay Gerald, tinanong siya kung may posibilidad ba na magkabalikan sila ni KimiRald. 

Maraming mga tagahanga ang umaasang magkaroon sila ng proyekto na magkasama. 


Ang sagot ni Gerald ay nagpapahayag ng kanyang kasiyahan sa tagumpay ni Kim, lalo na sa kanyang pinakabagong teleseryeng "Linlang", kung saan ipinakita ni Kim ang kakaibang husay sa pag-arte.


"Nakakatawa kasi ang naririnig ko parang ibang Kim yung nakikita nila sa show, pero masaya ako para sa kanya dahil talagang napakahusay niya."


"Napaka-inspiring na makita siyang ganyan sa trabaho, na hindi lang siya basta nagpapatawa sa Showtime kundi isang fighter at palaban na talaga, at napakahusay niyang nagtatrabaho. Deserve niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang show," ani Gerald.



Ngunit hindi niya maipapangako kung magkakabalikan pa sila ni Kim Chiu bilang isang love team. Gayunpaman, may mga tagahanga pa rin ng KimiRald na umaasa na muling magsasama sila sa isang proyekto.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento