Isang Sikat Na Teleserye Ng GMA7 Sususpendihin Ng MTRCB!

Sabado, Pebrero 24, 2024

 


Ang series pala na Abot Kamay na Pangarap ng Jillian Ward ang pinakamaraming reklamo. Ayaw, sabihin ni MTRCB chairwoman Lala Sotto kung anong klaseng mga reklamo ngunit nanganganib na ipasuspinde ng MTRCB. 


Gayun di naman ang ang Black Rider, kakapatawag lang nila sa production team ng action series ni Ruru Madrid.



“Normal naman yun dito sa MTRCB. Almost everyday may production or show kami pinapatawag. If not almost, it's really every day.” banggit ni MTRCB chairwoman Lala Sotto. 


Mas mahigpit nilang binabantayan ang TV shows dahil mas napapanood dito ng mga kabataan unlike sa movies na may ratings silang ibinibigay. 




Maalala lang kamakailan lamang ay naiinis si Baliwag City Bulacan Mayor Ferdie Estrella kaugnay sa episode ng February 14 ng seryeng Abot Kamay na Pangarap ng GMA Network. 


Naglabas ng reklamo at ng official na pahayag ang alkalde sa hindi niya na gustohan ang paggamit sa salitang ‘Baliwag’ bilang balbal na salitang pamalit para sa salitang Baliw o na sisiran ng bait. 


Hindi ito nagustuhan alkalde dahil nagpapakita raw ito ng kakapusan sa kaalaman at kawalan ng sensibilidad sa mahalagang issue.


Ipinaliwanag rin niya ang origin o etimolohiya ng pinagmulan ng pangalan ng bayan ang salitang Baliwag daw isang matandang salitang tagalog ng ibig sabi na'y malalim. 




Hindi raw ito nagmula sa salitang Baliw. Hindi rin daw dapat ginagawang katatawanan na ng pagiging isang Baliw. Ang lungsod daw ay isa sa mga nagsusulong at nagtataguyod ng adbokasiya tungkol dito. 


“Ang lungsod ng Baliwag ay isa sa mga nagtataguyod ng adbokasiya yan kaya naman hindi rin kami sumasang ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at kinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapangpahiya ng sinuman” saad ng alkalde.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento