Dating Kapamilya Aktres Muling Nakabalik Sa ABS CBN | Its Showtime!

Huwebes, Pebrero 29, 2024

 


Beauty Gonzales masaya sa kanyang muling pagtapak sa bakuran ng ABS-CBN matapos ang tatlong taon. Nitong lunes naging panauhin sa noontime show na It’s Showtime ang dating kapamilya talent at current Kapuso star na si Beauty Gonzales upang ipromote ang kanilang pelikula na After All kasama si Kapuso actor Kelvin Miranda. 


Masayang dumating kapamilya actress sa kanyang muling pagtapak sa compound ng ABS-CBN. Tatlong taon matapos niyang lisanin ang paging isang Kapamilya star. Pakiramdam niya ay walang nagbago sa init ng pagtanggap sa kanya ng mga kapamilya at madlang people. 




“Ang sarap ng pag-eramdam na makabalik dito sa ABS-CBN at makita kayo. Walang nagbago, you guys look so beautiful and energetic” saad ni Beauty sa madlang people. 


Huling napanood si Beauty sa isang Kapamilya TV series sa sikat na Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto bilang si Romina Mondragon.


Naging bahagi rin siya ng Brightlight Production ng kasagsagan ng pandemya at pagkawala ng Kapamilya Network sa ere dulot ng pagkakapaso ng prangkisa nito at bumida sa ilang series ng TV5. 




Taong 2021 ng magpasya siya na lumipat bilang isang exclusive talent ng GMA Sparkle Artist at doon mas ipinapakita ang kanyang talento bilang isang artista.


Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa season 2 ng TV adaptation ng film Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis kasama si Senator Ramon Bong Revilla Jr. Unang nakilala si Gonzales sa kanyang paglahok sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ng 2008. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento