Dahilan Sa Hiwalayan Nina Sam Milby at Catriona Gray!

Martes, Pebrero 27, 2024

 


Sam Milby at Catriona Gray hiwalay na. Ito ang mainit na pinag-usapan ngayon na mga netizens matapos itong maging papik sa youTube channel ni Ogie Diaz.


Anong nga bang tunay na dahilan at humantong sa breakup ang pagsasama ng dalawa kahit pa sila ay engaged na. Isa na naman hiwalayan isyu ang pinag-usapan ngayon sa social media, ito ay sa pagitan naman nina Sam Milby at Catriona Gray. 


Kung matatandaan na engaged siyang dalawa noong nakaraang taon February 2023. Kaya naman inasahan ng madla na marahil, sila ay nag aasikaso narin ang kanilang kasal.




Ganun pa man, matapos lang ang isang taon sila ay nagkakalabuan na at humantong na umano sa paghihiwalay.


Unang lumutang ang balita nito ilang linggo na ang nakaraan. Nang napansin ang mga marites na hindi na sinusuot ni Catriona Gray ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng aktor.


Bagaman wala pang anong mang sagot si na Catriona and Sam sa mga rumor na ito, tila patuloy pa rin itong pag-uusapan dahil sa mga ibinulgar ni Ogie Diaz. 


Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang youTube channel na may isang source ang nag bulong sa kanya na hiwalay na nga umano sa Sam Milby at Catriona Gray. 




Medyo mahirap daw paniwalaan pa dahil hindi naman naging magkaaway ang dalawa. Sa katunayan, kamakailan lang ay nagkasama pa ang dalawa sa isang event.


May nasagap pa umano ang source sa maaaring naging dahilan ng hiwalayan ni Sam at Catriona at ito umano ay dahil hindi pa ready magpakasal ang aktor. 


Bukod dito may iba din na nakapag sabi na may isa sa kanila ang na fall out of love pero hindi tinukoy kung ito nga ba ay Sam o Catriona.


Naging maayos umano ang pag-uusap ng dalawa hinggil sa kanilang hiwalayan. Kaya’t magpahanggang sa ngayon sila ay magkaibigan parin at willing na magkasama sa mga events. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento