Netizens, awang-awa na sa kalagayan ni Andrea Brillantes.

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

 


Matapos masangkot ang pangalan ni Andrea Brillantes sa isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ilang netizens ngayon ang isinasangkot ang aktres sa hiwalayan ng maraming celebrity couples gaya na lamang ng kaka-announce na hiwalayan nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Sa tiktok, lumabas ang mga video kung saan maraming netizens ang idinawit ang aktres na si Andrea Brillantes sa aktor na si Elijah Canlas at diumano ang dahilan ng break-up nila ni Miles Ocampo.

Bagama't walang ebidensya, hindi maiwasan ng ilang tao na isipin na kasali si Blythe dahil nagkatrabaho sila sa palabas na Senior High. Gayunman, nilinaw muna ni Elijah na mutual decision nilang dalawa ni Miles ang kanilang paghihiwalay at walang third party na involved.

Magkaiba lang daw ang landas nila ni Miles lalo na sa kanilang career bilang artista. Maging sa napapabalitang breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara o Mavline couple, pabirong idinawit ng ilang netizens ang aktres na si Andrea Brillantes.

Sa kabilang banda, naawa naman ang isang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakasangkot nito sa hiwalayan ng mga celebrity. Matapos akusahan bilang third party sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kinaladkad ang pangalan ni Andrea sa Elijah Canlas/Miles Ocampo breakup.

Nakakaawa raw na sya ay laging itinuturo samantalang wala pa namang resibo kung siya ba talaga 'yung nanggulo o third party sa mga naghihiwalay na relasyon. Masyado rawsyang paborito ani Cristy Fermin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento