Miss Universe 2023; May Dayaang Nangyari?

Lunes, Nobyembre 20, 2023



Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media at ang katatapos lang na Miss Universe 2023 na ginanap sa El Salvador kung saan nabigo ang Philippine beauty queen na si Michelle Dee na masungkit ang korona.


Marami ang nalungkot ngunit ipinakita at ipinagmamalaki pa rin ng mga Pilipino si Michelle Dee dahil naniniwala ang lahat na ginawa niya ang lahat para sa karangalan ng bansa.


Sa kabilang banda, maraming batikos ang natatanggap ng Miss Universe El Salvador matapos itong i-post sa kanilang Instagram page na tila nasa Top 5 si Michelle Dee sa international pageant.



Agad namang binura ng Miss Universe El Salvador Instagram page ang naturang post at pinalitan ito ng larawan ni Michelle Dee at inilagay si Miss Thailand base sa announcement noong coronation night.


Nag-trending sa social media ang naturang post at agad nag react ang mga Pinoy fans, lalo pa't sa tingin nila ay karapat-dapat si Michelle na makapasok sa Top 5.


Ayon pa sa isang netizens, "Filipinos really hate unfairness and cooking show. We always accept defeat if the winner deserve it but if we see that our representatives gave their best to win, we really express the unfairness always. Michelle and Pauline deserves the crown."


Umani ng reaksyon mula sa isa sa mga hurado sa Miss Universe 2023 na si Mario Baustista kung saan nagpahayag ng kanyang pagkadismaya dahil sa pagkabigo ng Pilipinas na makapasok sa Top 5.


Maging ang ibang personalidad at celebrities ay nag pahayag din ng kanilang pagkadismaya sa resulta ng Miss Universe competition.


Saan ni Chienna Filomeno, "galing ng cooking show, pinag laruan pa tayo."

Dagdag pa ni Rian Ramos, "Something fishy.."


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento