Michelle Dee Harap-harapang Binastos Ng Owner Ng Miss Universe Na Si Ann Jakrajutatip Sa Mexico!

Martes, Nobyembre 21, 2023


Kitang-kita ang kabastusan ng may-ari ng Miss Universe na si Ann Jakrajutatip pagdating pa lang nila sa Mexico ay pinahiya niya ng harapan si Michelle Dee.

Makikita sa mga litrato na hinila niya si Michelle at sinabing hindi siya maka-move on, paulit-ulit nitong sinasabi sa mukha niya ang salitang 'move on' at plano niyang maglabas ng kanta na may pamagat ng kantang 'Im Gonna Move On'



Nakangiti lang si Michelle pero halata sa mukha niya na nasaktan siya sa mga sinasabi ni Ann dahil dito sinubukang umalis ni Michelle pero agad siyang hinabol ni Ann, mukhang nahalata niya na-offend si Michelle kaya niyakap niya ito at sinabing "beautiful" para makabawi lang.


Hindi na kinaya ni Michelle ang sitwasyon, kaya nagpaalam na siyang bumalik sa hotel kahit hindi pa tapos ang unang media guesting nila sa Mexico.

Ilang minuto lang ang nakalipas, inamin ni Michelle Dee sa social media na bumalik siya sa hotel dahil masama ang pakiramdam niya habang nagpo-post ng hashtag "#wmmmo" na ang kahulugan ay "Walang Mag Mo-Move on."



Dahil dito hindi mapiligan magkomento ang kaibigan at kapwa beauty ni Michelle na si Samantha Panlilio, "Konting respeto naman.."

Pati ang content creator na si mrjomaryee nagsalita din, "GRABE NASAN RESPETO NIYAN"

Ang ganitong treatment ay hindi pa nararanasan ng ating mga kandidata noon pero iba na ngayon simula nang binili ang Miss Universe ng taga Thailand

Sana hindi nila isama si Michelle sa Mexico kung ang may-ari mismo ang lalait sa kanya, mahirap makita ang sarili nating mga kababayan na binu-bully ng walang laban.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento