Kim Chiu Naglabas Ng Kanyang Pahayag Sa Instagram!

Lunes, Nobyembre 13, 2023



Deadma si Kim Chiu sa post ni Xian Lim, kasabay ng natamo ng team ni Kim Chiu sa pagkapanalo nila sa magpasikat 2023 sa It's Showtime ay nag post naman si Xian Lim sa kanyang instagram.


Nag-comment ang netizens sa post ni Xian Lim, mahaba raw ang sinasabi pero walang direktang sagot tungkol sa kanila ni Kim sana ay diretsong sumagot si Xian kung sila pa ba ni Kim o hindi.


Tulad kanta ni Sarah G na paikot-ikot. Sa ngayon, wala pang reaksyon si Kim sa mahabang message post ni Xian sa kanyang Instagram account.


Samantala, masaya pa rin ang pakiramdam ni Kim kahit ilang araw na ang nakalipas sa grand finals ng Magpasikat 2023 ng It's Showtime.


Ang haba ng instagram caption ni Kim sa kanyang pagsasalamat, "Still on #Magpasikat2023 high!"



Nagpasalamat at pinuri rin ni Kim ang kanilang team na sina Jhong Hilario at Ion Perez, humanga siya sa husay ni Jhong sa pamumuno at nagpasalamat sa pagsuporta sa kanya lalo na sa kanilang mga stunts.


Pinalakpakan naman ni Kim si Ion sa kanyang kakayahang sumayaw at determinasyon.


Ayon kay Kim, "Nagulat ako sa willingness at determination mo na gawin ang lahat ng mga choreo and stunts, nakita ko kung paano ka nagpursige at walang kang pinagdududahan sa ginagawa mo. Isa ka ng ganag na dancer."


Hindi rin nakakalimutang pasalamatan ni Kim ang mga staff at produksyon ng It's Showtime.


Ayon sa netizens, taon talaga ni Kim ngayon bukod sa panalo niya sa It's Showtime, nanalo rin siya dahil sa tagumpay sa kanyang teleseryeng Linlang.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento