Actual Video: Abegail Rait Humingi Ng Tawad Sa Pamilya Magalona!

Biyernes, Nobyembre 3, 2023


Naglabas ng opisyal na pahayag ang dating flight attendant at umano'y "ex lover" ni Francis Magalona na si Abegail Rait kaugnay sa mga lumabas na isyu matapos ang kanilang exposure sa publiko.


Matatandaang nakilala ang dating flight attendant nang ibenta niya si Francis M memorabilia kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars at marami ang nagulat nang ibunyag niya ang kuwento kung paano niya nakuha ang jersey ng yumaong master rapper.



“Kung mali man po ang paglantad naming mag-ina, I’m sorry. Pero hindi n’yo ko kailangang husgahan sa kung ano lang ang nababasa n’yong pinalala ng opinyon ng mga mapanghusgang tao… Laitin n’yo po ako, tanggap ko ‘yun."


"Pero ang paratangan n’yo kung anak niya [Francis M], magsasalita po ako,” sabi pa ni Abegail.




Aniya, inamin niyang nagkamali siya pero sinusubukan niyang ipakita sa anak na kaya niya itong ipagtanggol.



Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng taong nasaktan sa kanilang pagpapakita sa publiko, lalo na sa pamilya ni Francis M.


Pagpapatuloy pa ni Abegail, “Sana po maintindihan n’yo ako bilang ina na nagsasalita para sa kanyang anak.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento