Vice Ganda Inisnab Si MTRCB Lala Sotto!

Martes, Oktubre 3, 2023


Hindi umano nagtangka si Vice Ganda na makipag-usap sa MTRCB matapos tanggihan ng MTRCB ang kanilang motion for reconsideration.


Ayon kay MTRCB chairwoman Lala Sotto, walang effort ang kampo ni Vice Ganda na harapin ang reklamo sa kanilang programa.


"No efforts, no dialogues, no form of coordination or cooperation with us" saad ni Lala Sotto.



Iginiit ni Lala Sotto na binigyan nila ng maraming pagkakataon ang programang It's Showtime at si Vice Ganda.


Sa mga nagsasabing masyadong harsh ang desisyon ng MTRCB sa pagsususpinde ng It's Showtime.


"We already gave them 4 warnings and 7 dismissed cases. How many warnings are we suppose to issue? How many memos are we suppose to send?" dagdag ni Lala Sotto.



Matatandaang labing dalawang araw na suspensiyon ang ipinataw ng MTRCB sa It's Showtime.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento